Travel Blog #1: Seven Seas Water Park

Travel Blog #1: Seven Seas  Water Park and Resort

karamihan sa mga tao ngayon ay sawa na sa polusyon at mabigat na trapikong dulot ng paninikip ng mga kalsada sa mga siyudad. Maraming mga manlalakbay ngayon ay naghahanap ng mga bagong lugar na kung saan pwede silang makapaglibang at mag enjoy lalo na ngayon at papalapit na ang tag-araw. 

Isa ka bang manlalakbay na gustong maglibot sa hilagang bahagi ng Mindanao? pwes ano pang hinihintay mo? ipinepresenta ko sa inyo ang Seven Seas Water Park and Resort!

Ang Seven Seas Water Park and resort ay matatagpuan sa Zone 1 Road, Opol, Misamis Oriental. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking water park sa buong Mindanao!


Paano Makarating Dito

Upang makarating dito, kung ikaw ay nanggagaling sa siyudad ng Davao, una, Tahakin ang Davao-Bukidnon Road; dire-diretso papuntang Cagayan De Oro City. Pagdating sa Cagayan De Oro, tahakin ang Sayre Highway. Pagkatapos, magtungo sa Saarenas Avenue at ito ay diretshin lamang hanggang marating ang Opol, MIsamis Oriental.

Payo tungkol sa Transportasyon

Mas mainam kung mayroon kayong sarili ninyong sasakyan na magagamit sa pagpunta dito. kung wala naman, pwede kayong sumakay ng bus papuntang Cagayan De Oro City at doon sumakay ng dyip o mag taxi papuntang Seven Seas.

Tungkol sa Lugar

ang Seven Seas Water Park ay mayroong mga water slide na tinitiyak kong ma eenjoy ng mga bata at matatanda! narito ang iilan sa mga litrato ko nong bumisita kami sa Seven Seas Water Park:
Ito ang bubungad sa iyo pagdating mo sa Seven Seas Water Park

Ito ang magsisilbing ticket ng kanilang mga bisita. ito ay isinusuot at magsisilbing palatandaan na ikaw ay isang bisita ng Seven Seas.

naisuot na namin ang aming mga wrist band at handa nang pumasok. HIndi pupwedeng tanggalin ang mga ito dahil kung ikaw ay lalabas, di ka na maaaring maka balik pa sa loob kung hindi mo ito suot

Nakapasok na kami! picture muna sa pabati mula sa Seven Seas

Ito ang kanilang kiddie pool. tiyak na magugustuhan ito ng mga bata dahil sa dami ng mga water slide na pwede nilang subukan

Ang water slide sa aking likuran ang una kong sinubukan. napakasaya at nag enjoy ako ng husto dahil sa nakakalulang pa liko-liko ng water slide na ito

Sa litratong ito, makikita ang kanilang malawak na wave pool. Makikita rin ang napakalaking embudo na kung tawagin ay ang "cyclone". Ang cyclone ay nangangailangan ng apat na katao at sila ay uupo sa isang malaking salbabida atsasabak sa malaking embudong water slide. Sa kasamaang palad, hindi ko ito nasubukan dahil dalawa lamang kami ng aking pinsan na susubok.

Payo sa mga bibisita

Upang lubusan ninyong ma enjoy ang Seven Seas Water Park, pinapayuhan ko kayong pumunta ng maaga. dapat ay mga alas 7 ng umaga ay naroon na kayo upang kayo ay mauna sa pila. maaari rin kayong magpabook online upang di na kayo mahirapan. BAWAL magdala ng pagkain galing sa labas. Ngunit magbaka sakali lamang dahil noong bumisita kami, pinayagan kaming magdala ng pagkain. Ngunit kung hindi pahihintulutan, huwag mag alala dahil swak naman sa bulsa ang presyo ng kanilang pagkain sa loob ng resort.
narito ang Entrance Fee at Cottage Fee ng Seven Seas Water Park


May kamahalan man, tinitiyak kong sulit na sulit ang iyong binayad dahil tiyak na mag eenjoy ka sa kanilang mga pasilidad. Maging matanda ka man o bata, tiyak na uulit ulitin nyo ang sumabak sa mga water slides ng Seven Seas. Unlimited na ang pagsakay sa lahat ng water slide.

Pinoproblema nyo ba ang matutuluyan? maghahanap ng swak sa badyet? heto ang iilan sa mga magaganda at komportableng matutulugan ngunit swak na swak sa badyet ninyo!

St. Nicolas Inn


Ang St. NIcolas Inn ay matatagpuan sa Lt. Guillermo corner A.S.Hayes St., Cogon, Cagayan De Oro City, Misamis Oriental. ito ay tinatayang nasa 5-minutong pagmamaneho ang layo sa Seven Seas. Sa halagang 800 pesos, mayroon na kayong isang buong kwartong pamamilya! sa tuwing sila ay nag sa sale sa Agoda, kalimitang 500 pesos na lamang ang iyong babayaran. Komportable ito dahil mayroon itong sariling TV at banyo. Napakabait din ng mga staff ng St. Nicolas Inn. Mayroon din silang 24/7 WiFi access at pinoprotektahan ng CCTV at mayroon ding mga guwardiya kaya tiyak ang inyong seguridad.

GV Hotel Cagayan


Ang GV Hotel ay matatagpuan sa Corrales extension, Cagayan De Oro City, Mizamis Oriental. Sa halagang 750 pesos, mayroon kanang mala 5-star na hotel! saan ka pa?


Inirerekomenda kong bisitahin ninyo ang Seven Seas Water Park. Ito ay kamakailan lamang nagbukas ato ito ay talagang ma eenjoy ng lahat mapa mag sing irog man, pamilya, o barkada, pwede ito sa inyong lahat! makabago ang kanilang mga pasilidad. Tinitiyak din nila ang kaligtasan ng kanilang mga bisita.

Talaga nga namang nakakamangha ang ating bansa! sa Mindanao pa lamang ay madami ka nang pwedeng puntahang magagandang lugar! nawa'y makatuong ang blog na ito upang maenjoy ninyo ang pinakamalaking Water Park sa buong Mindanao, ang Seven Seas Water Park and Resort! Abangan ang susunod kong mga blog! next stop: Singapore!

:)




Mga Komento