Travel Blog #1: Seven Seas Water Park

Travel Blog #1: Seven Seas Water Park and Resort karamihan sa mga tao ngayon ay sawa na sa polusyon at mabigat na trapikong dulot ng paninikip ng mga kalsada sa mga siyudad. Maraming mga manlalakbay ngayon ay naghahanap ng mga bagong lugar na kung saan pwede silang makapaglibang at mag enjoy lalo na ngayon at papalapit na ang tag-araw. Isa ka bang manlalakbay na gustong maglibot sa hilagang bahagi ng Mindanao? pwes ano pang hinihintay mo? ipinepresenta ko sa inyo ang Seven Seas Water Park and Resort! Ang Seven Seas Water Park and resort ay matatagpuan sa Zone 1 Road, Opol, Misamis Oriental. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking water park sa buong Mindanao! Paano Makarating Dito Upang makarating dito, kung ikaw ay nanggagaling sa siyudad ng Davao, una, Tahakin ang Davao-Bukidnon Road; dire-diretso papuntang Cagayan De Oro City. Pagdating sa Cagayan De Oro, tahakin ang Sayre Highway. Pagkatapos, magtungo sa Saarenas Avenue at ito ay diretshin lamang hanggang m...